ANG KWENTO NI MATEO " Dwende "

" DWENDE "

Ang kwentong ito ay aking pinamagatang " DWENDE" , bago ko simulan ang kwento, nagawa ko pala ito base sa kwento ng aking ninong na si Onsoy. Siguro nagtataka kayo kung bakit dwende ang pamagat , kwento ba ito sa buhay ng mga dwende? malalaman n'yo nalang kapag mabasa n'yo na lahat.

At dito rin natin malalaman kung ano ba ang mahalaga sa buhay mag asawa , KAYAMANAN o PAGAARI? Kwento ito sa masayang buhay ng mag asawa, sila ay kilala sa kanilang baranggay na mayaman at may malaking mga pag aari.

Ang asawang ito ilagay nalang natin sa sa pangalang ANDE (babae) at ONSOY ( lalaki ), Isang araw lumabas si Ande sa kanilang bahay at nakipag kwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at lageh nalang bukang bibig ni Ande na sobrang proud siya kay Onsoy dahil sa may kalakihang pag-aari nito. at sa kuryusidad ng mga tao sa barangay nila kung totoo ba talagang may malaking pag-aari si Onsoy, ang daming babaeng gustong umakit kay Onsoy para lang mapatunayan nilang totoo ba ang laging bukang bibig ni Ande.

Pero, sa kabutihan ni Onsoy at katapatan sa kanyang asawa, ay hindi ito nagpatukso sa mga babae. pero halatang-halata talaga ang kanyang pag-aari kapag naka suot siya ng pantalong medyo masikip.

Pero sa hindi inaasahan ng mag asawa, dumating sa kanilang buhay ang bagyo, Bagyo ng kamalasan, bigla nalng nagkasakit si Ande ng hindi makita-kita ng mga doctor ang dahilan ng kanyang sakit. At sa laki ng kanilang bayaran sa hospital ay naipagbili nila ang kanilang mga ari-arian at na isangla ang lupain nila, to make the story short, sila ay naghihirap.

Litong-lito na si Onsoy kung ano ang kanyang gagawin, upang mabayaran ang kanilang mga naisangla, at paano magkakapera at saan kukuha. Ginawa na lahat na pweding gawin ni Onsoy para lang kumita pero ito ay hindi parin sapat para makabayad at makabangon ulit.

Isang gabi lumabas ng bahay si Onsoy upang magpahangin at naninigarilyo habang naka upo sa tabi ng malaking kahoy sa tapat ng kanilang bahay. Lumipas ang ilang sandali , biglang may maliit na boses siyang narinig at di niya ito nakikita.

"Onsoy! Onsoy! Onsoy! (dwende) , kinakabahan na ito sa dahilang wala talaga siyang nakikita pero may tumatawag sa kanyang pangalan, at sa kalaunan ay nag papakita na ito sa kanya na may sombrerong pula at damit na pula, at ito ay sobrang liit na may haba lamang na 12 inches.

Nang makita ni Onsoy and dwende na may dalang sobrang daming pera at nilapag sa harapan nya, biglang natanggal ang takot nito, at nakipag usap ito sa dwende,

"Ano ba ang kailangan mo , at bakit mo ako tinawag at may dala kang pera?" wika ni Onsoy sa dwende, "ibibigay ko sa iyo itong mga perang ito, pero mayroong isang kondisyon" sagot ng  dwende, biglang tumigil ang mundo ni Onsoy ng ilang minuto, at napaisip na ito na ba ang sulusyon ng kanilang problema upang makabangon uli. At sabay itong nagtaka bakit isang kondisyon lang ang hinihingi sa malaking halaga ng perang kapalit. Tinanong niya ang dwende " Ano ba ang isang kondisyon na iyan?" at sagot naman ng dwende " Lumapit ka dito at ibubulong ko sa iyo ". 

Nang marinig ni Onsoy ang bulong ng dwende, dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay na may halong tuwa at lungkot sa mukha, upang ipaalam sa kanyang asawa na may sulosyon na ang kanilang mga problema.

At agad niya itong sinabi kay Ande, na may lumapit sa kanyang isang dwende na may dalang maraming pera at ikwenento neto ang kanilang usapan, Pero biglang napatanong si Ande " ano ba Onsoy ang kondisyon ng dwende sayo?" ng sinabi na ni Onsoy ang kondisyon ng dwende para makuha nila ang malaking halagang pera, Sinabihan siya ni Ande na ," dibali na Onsoy!, na maghihirap tayo, ayokong tanggapin ang kondisyon ng dwende!!!".

Tanong : Ano kaya ang kondisyon ng dwende at hindi matanggap-tanggap ni Ande?

Ang kondisyon ng dwende ay : MAGPALIT RAW SILA NG TITI ni ONSOY KAPALIT ANG MALIKNG HALAGA.

So, Kayo na ang humusga kung ano ba ang importante ang PAG-AARI ba o ANG KAYAMANAN?


ANO BA ANG ARAL NA MAKUKUHA DITO?

Kahit gaano kahirap ang ating buhay, huwag tayong magpatukso sa mga madaliang pera na hindi man lang natin pinaghirapan, ang madaliang pera ay madali ding mawawala, pero ang pera na iyong pinaghirapan para sa iyong pamilya at sa iyong minamahal ay mas importante dahil dito mo maipakita sa iyong pamilya o minamahal na kaya mo silang itaguyod at buhayin sa iyong sariling lakas , dugo at pawis.


PAALA-ALA

Kung may mabalitaaan kayong tao na bigla nalang yumaman, sana wag dumating sa inyong isipan na sila ay nakipagpalit na sa dwende... :)

Salamat , sa mga sumusubaybay sa kwento ni mateo.

ilagay nyu lang sa comment sa baba kung ano ang inyong mga opinyon kung ano ba talaga ang mas importante , at wag kalimutang mag subscribe at mag share :) 

Comments

Popular posts from this blog

Why we need Photographers?

Mga Dapat Gawin Para Maiwasan Ang Pagiging Tsismosa/Tsismoso

Unfriend Your Husband or Wife in Social Media is a Way to a Healthy Family???