MY 4 TIPS FOR BEGINNERS IN PHOTOGRAPHY
- ATING IWASAN ANG GALAW NG CAMERA - Ang konting galaw lang sa camera at pweding makaka apekto sa focus ng ating subject kaya minsan, ang subject natin ay nag blurry konti at hindi gaanong sharp ang kuha. Paano ba nating maiiwasan ang mga ganitong pangyayari?
- ang unang pwede nating gawin, ay hawakan nating mabuti ang ating camera ng dalawa nating kamay at ang isang kamay ay nakahawak sa lens at ang isa sa body ng camera ilapit din natin konti sa ating katawan upang ang katawan mismo nating ay tutulong sa pagsuporta.
- pwede din tayong gumamit ng tripod o monopod o anupang bagay na pwedeing sumuporta para maiwasan ang paggalaw ng camera, Ang mga ito ay karaniwang ginagamit lalo na kapag kukuha tayo long exposure shots, kasi konting galaw lang natin ang subject ay magiging blurry.
2. IWASANG GUMAMIT NG BUILT-IN FLASH SA INDOOR SHOTS - Ang paggamit ng Flash ay maaaring ang subject ay magmukhang over exposed at hindi natural ang skin tone nito,lalo na kung indoor portrait ang shots mo. Subalit, may mga paraan na pwede natin gamitin sa mga indoor shots na di na natin kailangan ang built-in flash.
- Unang una ating pataasan ang ating ISO kahit 400-800 at sa aperture natin kung ang ang pinaka lowest aperture ng ating lens 2.8 o 1.8 o 1.2 yan ang ating gagamitin if possible. sa ganitong paraan mas maraming liwanag ang papasok sa sensor ng ating camera at magkakaroon tayo ng magandang blurry background, kung gamit lang natin ay mga kit lens na ang pinaka mababang aperture ay f/3.5, ating gamitan ng tripod, pero kung nasa events ka at.. nakaksagabal na ang tripod, pwede tayong gumamit ng flash na external na pwede mong ma ikot ang ulo ng flash at ipa bounce natin ang flash sa ceiling o sa gilid ng bobong basta wag lang natin itutok ang flash sa ating subject.
3. SHOOT RAW NOT JPEG/JPG - Bakit ba kailangan nating ng RAW file instead of JPEG? Alam mo ba kung bakit mahalaga ito? At kung ano talaga ang ibig sabihin nito para sa ating mga pictures?
-Kung tayo ay nag shoot ng JPEG format , ang ating image ay naka-compress na at nawalawala ang ibang detalye ng mga ito, pati narin ang mga problema ng ating picture ay hindi na maibabalik kapag ang format mo ay JPEG.
-Mayroong mga ilang mahalang benepisyo ng RAW format, Ito ay nagbibigay ng pinakamataas ng kalidad ng ating mga pictures, at itinatala nito ang lahat ng mga data galing sa sensor.
- Magagawa mo ang lahat na pagproseso sa mga ito, at maari kang gumawa ng iyong mga desisyon kung how the image should look.
- And it records din the highest levels of brightness, ang mga under exposed o madilim na image pwede mo itong paliwanagin na hindi mawawala ang mga detalye ng iyong mga images. JPEG can only produce 256 levels of brightness, at ang RAW can give from 4,096 hanggang 16,384 levels, Diyan pa lang makikita na natin ang napakalaking deperensya ng JPEG at RAW.
-Minsan di natin maiwasan ng may mga pangyayari na mabilisan lalo kapag events, may mga shoot tayo na over exposed o under exposed, madali mo lang itong maayos kapag nasa RAW format ka,
-Kapag ang shoot mo ay lowlight at tinaas mo masyado ang iyong ISO para makuha mo ang tamang exposure , na nagdudulot ng noise sa iyong images , madali mong tanggalin ang mga noise sa images sa pamamagitan ng pag process mo ADOBE PHOTOSHOP, LIGHROOM, at LUMINAR. at sa mga programs na ito , pwede mong ma i boost ang sharpening ng mga images,
- Kailangan ba talaga ng RAW ang laging gagamitin? kung gusto mong maging photographer mag RAW ka , pero kung wala kang hilig sa pagpaganda at pag process ng iyong mga images, JPEG ang para sayo,
- Kailangang kailangan talaga ang RAW dahil lahat ng images na kinukuha ng camera mo ay hindi perfect and it needs to be process.
4.RULE OF THIRDS - Ang rule of thirds ay isang pamamaraan ng pagpantay sa isang subject sa mga gabay na linya at sa kanilang intersection points. paglagay ng horizon sa taas o sa ibaba ng linya, ang pinaka rason ng rule of thirds is avoiding the subjects to be at the center.
- Ito ay tumotulong upang ang iyong larawan ay maging kapansin-pansin sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong komposisyon. kung gusto mo ng mga pictures na may "WOW" sa mga mata ng tao, gamitin mo itong rules of thirds composition. Ang paggamit ng composition na ito ay ating ipagpalagay na may apat ng linya ang isang larawan , dalawa na linyang horizontal at dalawang linya na vertical, at ito ay mag composed ng 9 even squares, kadalasan sa atin mas gusto natin na ang subject ay nasa centro ng larawan, pero di natin alam na mas magandang tingnan at agaw pasnsin kapag ang subject ay ilagay natin off center. Ang isang larawan na ginagamitan ng rule of thirds ay karaniwang mas may dating at nakalulugod sa mata ng ating mga viewers.
PWEDE KO BANG I APPLY ANG LAHAT NA ITO? GAMIT KO LANG AY KIT LENS.
Sagot..OO , kahit na kit lens lang ang gamit mo, at nagsisimula ka palang sa larangan ng photografia, pwede kang makapag produce ng high quality at sharp images gamit ang iyong mga kit lens lamang, sundin mo lang ang apat na tips sa taas, lalo na sa mga landscape photography, na pwede mong ma i focus lahat ng detalye ng paligid.
PWEDE KO BANG MA BLUR ANG BACKGROUND NG AKING SUBJECT SA KIT LENS LAMANG?
Sagot..OO , kung may kit lens ka na18-55mm f3.5-4.5 o 55-200mm f4.5-5.6, o 18-105mm f3.5-5, pwede mong gawing blurry ang background ng iyong subject, basta i zoom mo lang ang lens mo hanggang last zoom, like 55-200mm , i zoom mo lang ng 200mm , o yung 18-105mm ilagay mo sa 105mm, tapos siguraduhin mo na ang background ng iyong subject ay malayo ang distansiya sa kanya.
Kung may mga katanungan tayo, comment lang dito sa baba, para hanapan natin ng mga kasagutan.
Gracias
ReplyDelete